Sabado, Setyembre 6, 2014


KAMATAYAN. Ito ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ang bagay o pangyayari sa ating buhay na hinding-hindi natin maiiwasan, hindi matatakasan. Ang pangyayaring katakot-takot, kakila-kilabot. Ang pangyayaring ito ay may malaking epekto sa isang tao. Maaari itong magdulot ng depresyon, masidhing kalungkutan, at iba pa. Kapag dumating na ang KAMATAYAN sa iyong buhay, handa ka na bang harapin ito?



Ayon sa diksyunaryo, ang kamatayan ay ang katapusan ng buhay ng isang organismo. Sa tao, ang kamatayan ang pinakakinakatakutang pangyayari. Maraming sanhi ang pagkamatay ng isang tao. Maaaring dahil sa sakit, aksidente, katandaan, walang wastong nutrisyon, pagpapakamatay, at iba pa.


Ano nga ba amg dahilan kung bakit takot ang isang tao na mamatay? Para sa akin, takot ang isang tao na matapos ang kaniyang buhay dahil mayroon pa tayong mga misyon na hindi pa natin nagagawa. Ito ang pinakaunang dahilan kung bakit takot ang isang tao na mamatay. Pangalawa ay di natin kayang iwan ang iba pa nilang mga mahal sa buhay. Pangatlo ay nais pa nating mamuhay ng matagal.


Ang kamatayan ay isa ring bahagi ng relihiyon at kultura. Halimbawa, sa Kristyano, dalawa lang ang maaaring puntahan ng kaluluwa ng namayapang tao, ang LANGIT at ang IMPYERNO. Ang mga taong naniniwala sa Diyos, ang mga taong lubos na tinatanggap at minamahal and Poong Maykapal ay makakapunta sa kaniyang kaharian sa langit. Ang mga tao namang hindi tinanggap ng lubos at minahal, ang mga taong hindi humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, ay walang ibang pupuntahan kundi ang impyerno lamang.


Ang kamatayan ay ang pangyayari sa ating buhay na pwedeng mangyari sa anumang oras. Ngunit ang pinakaimportanteng gawin natin ay ang tanggapin na lahat tayo ay nakatakdang mamatay.